HEAT INDEX SA ILANG LUGAR SA REHIYON DOS, NASA KATEGORYANG ‘DANGER’ AYON SA PINAKAHULING DATOS NG PAGASA

Cauayan City, Isabela- Sa pinakahuling datos ng DOST-PAGASA ngayong araw (Mayo 9), umabot sa 44°C ang ‘computed heat index’ sa may bahagi ng Isabela State University sa Echague, Isabela.

Nasa 42°C naman ang ‘computed heat index’ sa Tuguegarao City, Cagayan.

Kapwa nasa kategorya na ‘Danger’ ang naitala sa dalawang lugar kung saan ang ‘computed heat index’ ay nasa saklaw mula 41.4°C hanggang 54.0°C.


Mataas na tiyansa na mamulikat ang katawan at ‘heat exhaustion’ ang maaaring epekto nito sa katawan ng isang tao sa mga lugar na nasa ‘danger’.

Ang heat stroke ay maaari ring maranasan sa patuloy na pagtratrabaho sa ilalim ng araw.

Nasa 38°C ang ‘computed heat index’ sa may bahagi ng Nueva Vizcaya State University sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Facebook Comments