HEAT SROKE | Mga manok sa Pangasinan nagkandamatay!

Dagupan City – Nitong nakaraang araw naitala ang 57-degree Celsius heat index sa lalawigan ng Pangasinan na naging resulta ng panghihina ng maraming alagang manok sa isang poultry farm sa bayan ng Mangaldan Pangasinan. Kaya naman maya’t maya na ang pagpapainom ng tubig ng may-ari sa mga iba pang manok na nanghihina dahil parin sa matinding init.

Nag-resulta ang matinding init ng panahon sa pagkamatay ng humigit kumulang pitong libong manok dahil sa heat stroke sa isang poultry farm sa bayan ng Pozzorubio, Pangasinan.

Ayon sa Municipal Agriculturist ng bayan na si Mr. Clarito Corpuz maghapong nababad sa init ang mga manok dahil narin sa kawalan ng proper ventilation dahil sa power interruption kaya namatay ang mga ito.


Sa ngayon pinamimigay na ang ilang manok na nanghihina bago pa ito tuluyang mamatay at nag-disinfect narin sa nasabing poultry farm upang makaiwas sa anumang sakit pwedeng idulot nito.

Facebook Comments