SAWI | Anim na magkakamag-anak patay matapos pagtatagain sa Nueva Ecija

Nueva Ecija – Patay ang anim na magkakaanak makaraang pagtatagain habang isa naman ang malubhang nasugatan sa Barangay Tambo, Adorable San Leonardo, Nueva Ecija.

Ayon kay Senior Superintendent Eliseo Tanding ng Nueva Ecija Police Provincial Director, alas 4:30 ng madaling araw kanina nang mangyari ang krimen.

Aniya tatlong babae at tatlong lalaki ang nasawi.


Ilan sa mga nasawi ay kinilalang sina Leonila Caballero, Joshua Caballero, Abie Caballero, Serio Caballero, Sonny Custodio.

Habang suspek ay kinilalang si Jessie Tesoro alyas Baluga residente ng Barangay Bueno Capaz, Tarlac.

Tatlo naman ang nakaligtas kabilang na ang dalawang batang nasa edad na dalawa hanggang apat na taong gulang.

Napag-alaman na dalawang linggo pa lamang umano na umuupa ang mga nasawi sa kanilang tinutuluyan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa krimen.

Facebook Comments