Simula May 31, ibabalik ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “heat stroke break” ng kanilang mga traffic enforcers at street sweepers.
Ayon kay MMDA Chairman Benjur Abalos, ito ay para maproteksyunan ang kanilang mga tauhan sa gitna ng tindi ng init ng panahon.
Ang 30-minute heat stroke break ay maaaring dagdagan ng 15 minuto sakaling pumalo sa 40 degrees Celsius pataas ang temperatura sa Maynila.
Tiniyak naman ni Abalos na habang naka-break, papalitan sila ng iba para tuloy-tuloy ang pag-aayos ng daloy ng mga sasakyan at pagpapatupad ng batas trapiko.
Facebook Comments