Heat, tinambakan ang Celtics, 115-99

Florida – Tinambakan ng Miami Heat ang Boston Celtics sa kanilang naigng laban sa NBA.

Tinalo ng Heat ang Celtics sa score na 115-99 kung saan nanguna sa panalo ang Star player ng Miami na si Dwyane Wade na may 19-points.

Dahil sa panalo, gumanda ang record ng Heat na may 20-20 win/loss record at umangat sa ika-anim na pwesto sa team standings ng Eastern Conference.


Samantala, hindi pa din makakasabak ng tatlong laro ang Star Player ng Los Angeles Lakers na si LeBron James dahil sa kaniyang groin injury na natamo niya sa laban nila kontra Golden State Warriors noong Christmas Day.

Facebook Comments