44 years old na single mother, ika-2 aplikante na natulungan ng DZXL Radyo Trabaho ngayong 2019!

71

Manila, Philippines – Nadagdagan na naman ang bilang ng mga kababayan nating natulungan ng DZXL Radyo Trabaho.

Pinakabago sa listahan ang single mother na si Elizabeth Veloria, 44-years old ng Commonwealth, Quezon City.


Kwento ni Nanay Elizabeth, wala siyang permanenteng trabaho hanggang sa mapakinggan niya sa ating himpilan ang job openings ng Radyo Trabaho.

Dahil dito, nagpatulong siya sa kanyang anak na magpadala ng resume sa email ng Rayo Trabaho at makalipas ang ilang oras ay agad siyang na-accommodate.

December 12 nang matanggap siya bilang housekeeping sa Neat Engagements Company Inc. at nakuha na din niya ang unang sahod.

Ayon pa kay Nanay Elizabeth, nasubukan niyang mag-apply sa ilang agency at kahit mahirap makipagsabayan sa mga batang aplikante ay hindi siya tumigil na maghanap ng trabaho dahil nag-aaral pa sa kolehiyo ang bunso niyang anak.

Laking papasasalamat naman ni nanay Elizabeth sa DZXL Radyo Trabaho dahil kahit may edad na siya ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapagtrabahong muli.

Payo naman niya sa mga wala pang trabaho, magdasal lamang at huwag mawalan ng pag-asa.

Sa mga nais din na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Maaari niyo ring i-send kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming Radyo Trabaho hotline – 882 2370 o magtext sa Radyo Trabaho textline 0967-372-9017…

Sa Radyo Trabaho, walang personalan, trabaho lang!

Facebook Comments

From Advertisers