Tumaas ang heat trend sa bansa sa nakalipas na 30 taon
Sa interview ng RMN Manila kay PAGASA Deputy Administrator Esperanza Cayanan, sinabi nitong ang pagtaas ng init ay epekto ng climate change.
Ayon kay Cayanan, nagkakaroon ng global warming kaya nagreresulta ito ng mas mainit na panahon kapag tag-tuyot at mas maulang panahon kapag tag-ulan.
Samantala, hindi pa agad mararamdaman ang kakulangan ng tubig sa bansa bunsod ng El Niño phenomenon.
Paliwanag ng PAGASA, may inaasahan pa kasing above average na dami ng ulan sa darating na tag-ulan bago maranasan ang epekto ng El Niño sa huling quarter ng 2023.
Kaya dapat aniyang mag-imbak ng tubig papunta sa huling quarter upang hindi magkaroon ng kakulangan sa susunod na taon.
Facebook Comments