Heavy traffic sa Commonwealth Ave., asahan na sa SONA ni PBBM; traffic rerouting plan, inilatag ng MMDA

Inihayag ngayon ng pamunuan ng Metropilitan Manila Development Authority (MMDA) na asahan na ng mga motorista ang mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City sa Lunes, Hulyo 25 ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Base sa abiso ng MMDA, naglatag na sila ng rerouting plan para sa mga motoristang maapektuhan ng road closure at heavey traffic.

Paliwanag ng MMDA para sa mga tutungo ng Fairview mula Quezon City Memorial Circle na dumaan na lang sa North Avenue, kanan sa Mindanao Avenue pagkatapos kanan sa Sauyo Road o kaya’y dumaan sila sa Quirino Highway.


Sa mga motorista na manggagaling ng Fairview patungong QC Memorial Circle ay maaari silang dumaan sa Sauyo Road o kaya sa Quirino Highway, kaliwa sa Mindanao Avenue at kaliwa sa North Avenue.

Pinayuhan din ng MMDA ang mga maliliit na sasakyan na maaari silang dumaan sa ilang maliliit na lansangan sa QC at Marikina City.

Samantala, ang mga truck naman na magmumula sa C5 sa kahabaan ng Katipunan Avenue ay pinayuhan na dumaan na lamang sa Luzon flyover at kumanan sa Congressional Avenue.

Facebook Comments