Helipad na umanoy iligal na itinatayo Quezon City, iniimbestigahan na ng CAAP

Quezon City – Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang umano’y helipad na iligal na itinatayo sa isang pribadong residential area sa Xavierville, Quezon City.

Batay sa sumbong ng ilang residente, halos araw-araw ang paglapag at paglipad ng helicopter sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng CAAP, napag-alaman na walang permit ang ipinagawang helipad sa ibabaw ng isang gusali na umano’y pag-aari ng isang Romeo Ronquillo, isang pulitiko mula Pampanga.


Agad naman nilang pagpapaliwanagin si Ronquillo at ipatitigil ang operasyon ng nasabing helipad.

Facebook Comments