Helper, aksidenteng nabaril sa Maynila

119

Manila, Philippines – Sugatan ang isang helper matapos aksidenteng matamaan ng bala mula sa pumutok na service firearm ng isang gwardya sa Intramuros, Maynila.

Maayos na ang kalagayan ng biktimang si Jose Borromeo, 25-anyos nang agad malapatan ng lunas sa ospital.

Batay sa imbestigasyon, nagtalo ang biktima ang suspek na si Romeo Aquino, 22-anyos hanggang sa hampasin ng suspek ang kanyang baril sa likod ng biktima.


Sa hindi sinasadya ay biglang pumutok ang baril at tumama sa batok ang bala.

Agad namang sumuko ang suspek habang wala nang plano na magsampa ng kaso ang biktima.

Facebook Comments