Helper, Huli sa Pag-iingat ng Pake-paketeng Iligal na Droga

34

Cauayan City, Isabela-Arestado ang isang helper matapos ikasa ang drug buy-bust operation dakong 4:40 ng hapon kanina sa Brgy. La Paz, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si John Mathew Recierdo “alias kaloy”, 21-anyos, binata, at residente ng Brgy. Apanay, Alicia, Isabela na tubong Lipa City, Batangas.

Positibo umanong napagbentahan ng suspek ng isang (1) pakete ng hinihinalang shabu ang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang marked-money.


Nakumpiska sa suspek ang 14 pa na pakete ng shabu; 12 sachet na naglalaman umano ng pinatuyong dahon ng Marijuana; isang caliber 38 na baril na may apat na bala; P1,000 genuine money at apat na piraso ng P1,000 na boodle money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng Cabatuan Police Station.

Facebook Comments