Isang lalaki, arestado matapos makuhaan ng baril, droga at hindi pagsusuot ng face mask sa Makati City

62

Hinuli ng mga tauhan ng Makari City Police ang isang lalaki matapos makuhaan ng baril, shabu at hindi pagsusuot ng face mask.

Kinilala ang naaresto na si Jose Marri Salvacion, 31-anyos at residente ng Amarillo Street, Barangay Rizal, Makati City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsasagawa sila ng intelligence-driven operation kaya nahuli ang drug suspek sa Barangay Rizal, Makati City.


Nakuha sa kanya ang Caliber .45 magazine, apat na ammunition, dalawang piraso ng plastic sachets na may lamang shabu.

Sa ngayon, nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at paglabag sa ordinansa na hindi pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments