Helper ng Panaderya sumalpok sa Sasakyan ng Telco, Patay

29

Cauayan City, Isabela- Agad na binawian ng buhay ang isang helper ng panaderya makaraang aksidenteng mabangga ng isang SUV ang minamaneho nitong motorsiklo bandang 8:50 kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Lawrence Lorenzana, nasa tamang edad habang nakilala ang sugatan nitong angkas na si Jonel Lorenzana,binata, walang trabaho at kapwa residente ng Brgy. Surcoc sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Naguilian Police Station, umagaw umano ng linya ang nasawing biktima na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay samantala nagtamo naman ng pinsala sa katawang ang angkas nito.

Nakilala naman ang drayber ng Toyota vios na may plakang NDI 8559 na si Jeffrey Mata, 31-anyos, may-asawa, isang Service Facility Assistance II ng PLDT incorporated at residente ng P4 Pinoma, Cauayan City, Isabela.

Patuloy naman na iniimbestigahan ng pulisya ang nangyaring insidente habang ikinustodiya ang mga sangkot na behikulo maging ang drayber ng SUV.

Facebook Comments