Helper, Timbog sa Buy Bust Operation!

32

Santiago City, Isabela- Arestado ang isang helper sa isinagawang Drug Buy Bust Operation nang pinagsanib pangkat ng PNP Station 2 Santiago City at PDEA PRO2 pasado alas diyes ng gabi, Marso 27, 2018.

Ang nahuli ay kinilalang si Jay-ar Magno, bente otso anyos, may-asawa, helper at residente ng Brgy. Rizal, Santiago City.

Ito ay matapos bentahan ni Magno ang isang pulis na nagpanggap na bumili sa halagang isang libong piso.

Nakuha mula kay Magno ang isang libong pisong buy bust money.

Nasa kustodiya na ng tanggapan ng pulisya si Magno na nahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments