Lalaki, Arestado sa Panggagahasa ng Kanyang Kamag-anak!

126

Ilagan City- Tuluyan ng sasampahan ng kaso ang isang lalaki matapos gahasain ang isang ginang sa Brgy. San Isidro, City of Ilagan bandang alas otso ng gabi kahapon, Marso bainte syete 2018.

Ang ginang ay itinago sa pangalang Eva, 46 anyos, may-asawa at samantalang kinilala naman ang suspek na si Reynaldo Revilla, 26 anyos, walang asawa, mga pawang residente ng naturang Barangay.

Sa impormasyong ibinahagi ni City of Ilagan, Chief of Police Rafael Pagallilauan sa RMN Cauayan News Team, sinabi nito na nakikipag-inuman umano ang suspek kasama ang anak at kapatid ni Eva ng bigla ay magkaroon ng pagtatalo kaya agad namang umawat ang biktima.

Aniya, dahil umano sa kalasingan ay hindi na kaya ni Revilla ang umuwing mag-isa kaya’t nagpasama nalamang ito sa biktima.

Kampante namang sinamahan ng biktima ang suspek dahil sa magkamag-anak naman umano ang mga ito ngunit habang tinatahak ang madilim na bahagi ng daan ay napansin ng biktima na tinutungo na nila ang bahagi ng ilog sa naturang lugar.

Agad namang iwan ni Eva ang suspek ngunit agad din itong hinabol at hinila ni Revilla at mabilis na pinaghahalikan at hinawakan sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Samantala, agad isinuplong ni Eva sa kapulisan si Revilla na nagresulta ng pagkakadakip na nahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments