Henry Sy, pumanaw na sa edad na 94

Manila, Philippines – Pumanaw kaninang umaga sa edad na 94 ang founder ng SM malls na si Henry Sy.

Sa paunang ulat, namatay si Sy sa kanyang pagkakatulog.

Ngayong araw sana ay naka schedule si Sy sa kaniyang regular laboratory tests sa makati medical center.


Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na detalye ang kanyang pamilya tungkol sa burol at petsa ng libing ng nasabing negosyante.

Ipinanganak noong December 25, 1924 sa Fujian, China, si Sy ay tinaguriang pinakamayamang Pilipino simula pa noong 2005. pasok rin ito sa world’s billionaires list 2018 na inilabas ng Forbes noong buwan ng Marso.

Sa tala ng Forbes, nasa $19 billion ang estimated net worth ni Sy.

Facebook Comments