Karambola ng 3 Sasakyan sa San Manuel, Isabela, 3 katao Sugatan!

*San Manuel, Isabela- *Sugatan ang tatlong katao matapos magkarambola ang tatlong sasakyan dakong alas nuebe kagabi sa pambansang lansangan ng District 3, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang suspek at driver ng Foton View Trans Van na si Renier Atelano, 43 anyos, residente ng Caritan Centro, Tuguegarao City habang ang mga biktima ay sina Jose Leonico Talingdan, 30 anyos, driver ng Nissan, residente ng District 3, San Manuel, Isabela at ang pasahero nito na si Kimberly Sawit.

Sugatan rin ang pasahero ng Foton Van na si Ed Ballad ng Tuguegarao City habang hindi naman nasugatan ang driver ng Ford Ranger na si Asierto Domingo Jr.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, binabaybay ng Foton Van ang naturang lansangan patungong Aurora, Isabela nang biglang pumasok sa linya ng Nat’l Highway ang Nissan na minamaneho ni Talingdan na mula sa kabilang daan.

Dahil sa bilis ng pagpatakbo ni Talingdan sa Nissan ay nabangga ito ng Foton.

Tumilapon sa kabilang linya ng daan ang Nissan kaya’t nabangga naman ito ng paparating na Ford Ranger.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang driver at pasahero ng Nissan maging ang pasahero ng Foton na isinugod naman sa Padron Tibio Medical Center para sa kanilang kaukulang lunas.

Dinala na sa kustodiya ng PNP San Manuel ang suspek para sa kukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments