*Cauayan City, Isabela*- Nagbabala ang pamunuan ng Police Regional Office No. 2 sa lahat ng hepe ng pulisya sa rehiyon dos na sakaling magkaroon ng indiscrimante firing at hindi ito maresolba sa loob ng 24 oras ay agad na tatanggalin ang mga ito sa kanilang serbisyo.
Ayon kay Lt. Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PRO-2, ito ay upang maiwasan maiwasan ang hindi inaasahang insidente sa kanilang nasasakupang lugar at batay na rin aniya ito sa kautusan ng national headquarters.
Aniya, puspusan naman ang ginagawang hakbang ng pulisya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa ilalim ng ‘Oplan Tambuli’.
Hinihikayat naman ng pamunuan ng PRO-2 ang publiko na gumamit ng mga alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng bagong taon.
Sa ngayon ay wala pa namang naitatalang insidente ng pagpapaputok sa Probinsya ng Isabela at Cagayan habang ipinakalat na ang may mahigit sa dalawang libong kapulisan upang masiguro ang ligtas na pagsalubong ng bagong taon.