MANILA – Naniniwala ang Hepe ng Albuera Municipal Police na si Chief Insp. Jovie Espenido na nakakapagduda ang pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.Ayon kay Espenido, nakakagulat na may baril si Espinosa gayong mahigpit ang seguridad ng kulungan.Sa isang panayam, ikwinento ng isa sa mga inmate, na ilang armadong lalaki ang pumasok sa selda ni Espinosa.Pero nang mapansin ng mga ito na may CCTV sa loob ng selda ng Alkalde ay pansamantala silang umalis at nang bumalik na ay hindi na umilaw ang CCTV.Giit pa ng inmate, malabong may baril si Espinosa dahil sa higpit sa lob ng kulungan.Pero nanindigan ang Criminal Investigation and Detection Group Region 8 na lehitimo ang kanilang naging operasyon sa loob ng Baybay City Provincial Jail.Sinabi ni Cidg Region 8 Director P/Supt. Marvin Marcos, wala silang nilabag sa batas at sumunod sila sa proseso kung paano isisilbi ang search warrant.Giit naman ni Espinido, nababahala na ang ibang inmate na nais maging testigo sa ilegal na operasyon sa Eastern Visyas matapos ang nangyari sa Alkalde.
Hepe Ng Albuera Municipal Police, Duda Sa Pagkamatay Ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Facebook Comments