Hepe ng Bulacan police pumalag sa report na Bulacan ang pinakamadugong killing field sa drug war

Kinontra ng Bulacan Provincial Police ang ulat ng Amnesty International na tuloy-tuloy ang extrajudicial killings o EJK at sa Bulacan ang pinakamadugong “killing field” pagdating sa drug war ng gobyerno.

Ayon kay Police Colonel Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan, base sa kanilang talaan, mas marami ang kanilang nahuhuli at napapasuko sa mga police operation kumpara sa mga nasasawi.

Giit ni Bersaluna, kung mayroon mang mga napatay na drug suspek, ito yung mga nanlaban o gumamit ng “violent resistance”.


Dagdag pa ng hepe ng Bulacan Police, iginagalang nila ang karapatang pantao at kasama na rito ang karapatan ng mga suspek at kriminal.

Una nang pinabulaan ni Albayalde ang report ng Amnesty International at tinawag ito na “stereotype.”

Base sa ulat ng Amnesty International mula May 2018 hanggang April 2019 mayroong 20 drug operation ang ikinasa sa Bulacan at sa mga operasyong ito 27 drug suspek na ang namatay.

Facebook Comments