MANILA – Kumbinsido si Senate Committee on Justice and Human Rights Chairman Koko Pimentel na mayroon nang nararanasang krisis sa Kidapawan City matapos ang magprotesta ang mga magsasaka para sa hiling na bigas.Ayon kay Pimentel, lumalabas na hanggang ngayon wala pang naibibigay na tulong ang provincial government sa mga magsasakang nagugutom.Magpapatawag muli ng pagdinig ang Senado at gagawin na ito sa Metro Manila makaraang hindi sumipot sa pagdinig sa Davao ang mga inimbitahang opisyal ng pamahalaan.Kaugnay nito, sinibak na sa pwesto ang Hepe ng Cotabato Police na si Sr/Supt. Alex Tagum dahil sa marahas na dispersal.Paliwanag ni Pnp Chief Ricardo Marquez, bahagi ito ng proseso kapag mayroon silang iniimbestigahang insidente.Sa ngayon, itinalaga muna si Regional Chief Directorial Staff PRO 12 Police Senior Supt. Jose Briones Jr., bilang kapalit ni Tagum.
Hepe Ng Cotabato Police, Sinibak Na Sa Pwesto Dahil Sa Marahas Na Dispersal Sa Kidapawan, Senado Muling Magpapatawag Ng
Facebook Comments