Hepe ng NBI Counter-Terrorism Division, natagpuang patay sa kaniyang opisina

Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director at Spokesman Ferdinand Lavin na natagpuang patay sa loob ng kanyang opisina kaninang umaga si NBI Counter-Terrorism Division Chief Raoul Manguerra.

Ayon kay Lavin, may isang tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng kanyang katawan si Manguera nang matagpuan itong wala nang buhay.

Kinumpirma rin ni Lavin na naka-lockdown na ang NBI premise matapos ang insidente.


Ipinag-utos na rin ni NBI Director Eric Distor ang malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ni Manguera.

Sinabi ni Lavin na labis ding nagdadalamhati ngayon ang NBI sa pagkamatay ni Manguera at nakikiramay sila sa pamilya at mga kaibigan ng opisyal.

Facebook Comments