PNP, nakahandang ipatupad ang total fireworks ban kung aaprubahan ng Pangulo

Hindi magdadalawang isip si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas na ipatupad ang total fireworks ban sa bansa sakaling aprubahan ito nigPangulong Rodrigo Duterte lalo’t nalalapit na ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay PNP Chief, mahigpit nila itong ipapatupad kapag naisabata na.

Aarestuhin aniya nila ang lahat ng maaktuhang gumagamit ng fireworks at ang lahat ng makukulit na ayaw sumunod ay agad nilang dadalhin sa kulungan.


Kamakalawa sinabi ni Pangulong Duterte na pinag-iisipan at ikinokonsidera niya ang total ban sa paggamit ng fireworks ngayong papasok ang taong 2021.

Katulad aniya sa Davao kung saan mayroong firecrackers ban ay nais nyang gawin ito sa buong bansa para na rin sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments