Hepe ng Ozamiz City Police, nanindigang lehitimo ang operasyon laban sa siyam na miyembro ng robbery at gun-for-hire group

Manila, Philippines – Nanindigan si Ozamiz City Police C/ Insp. Jovie Espenido na lehitimo ang naging operasyon nila sa barangay Cavinte at Balintawak noong June 2 kung saan napatay nila ang siyam na katao.

Sa harap ito ng planong pagsasampa ng mga kaanak ng nasawi ng kasong kriminal at administratibo laban sa kanya.

Sa interview ng RMN, sinabi ni Espenido – miyembro ng isang robbery at gun-for-hire group ang mga suspek.


Hinala rin ni Espinido, may mga pulitikong posibleng nasa likod ng mga napatay na suspek ang tumulong sa kaanak ng mga ito para makaluwas ng Maynila at makapagsumbong.

Nag-ugat ang reklamo matapos na umano’y ibinalandra ng PNP Ozamis ang siyam na bangkay sa tapat ng city hall nito sa halip na dinala na lang sana sa punerarya.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments