Hepe ng PNP AVSEGROUP, mag-iinspeksyon sa NAIA 3 mamayang hapon

Magsasagawa ng inspeksyon sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 ngayong hapon si PNP Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) Director PBGen. Christopher Abecia.

Ito ay bilang bahagi ng seguridad sa paliparan para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

Sa harap ito ng patuloy na pagdagsa ng mga pasahero sa NAIA 3.

Kapansin-pansin naman ang mahabang pila papasok sa domestic entrance ng NAIA 3 patungo sa boarding gates dahil sa malaking volume ng mga pasahero.

Nananatili namang maluwag ang pila sa immigration counters matapos na buksan ang electronic gates bago mag-Semana Santa.

Facebook Comments