Maddela, Quirino – Pinalitan na ang hepe ng PNP Maddela, Quirino makaraang lusubin ng mga kasapi ng New People’s Army ang kanilang himpilan noong gabi ng Sabado.
Itinalagang Officer-In-Charge ng nasabing himpilan simula kahapon si Police Chief Inspector Ricardo Salada.
Matatandaan na agad na sinibak sa puwesto si Police Chief Inspector Jhunjhun Balisi makaraang salakayin ang kanilang himpilan noong gabi ng Sabado na ikinamatay ni PO2 Jerome Cardenas.
Ayon kay Balisi, tanggap umano niya ang naging kapasyahan ng kanilang regional director na si Police Chief Supt. Eliseo Tam Rasco.
Inamin din nito na wala siya sa kanilang himpilan n mangyari ang paglusob.
DZXL558
Facebook Comments