Hepe ng PNP-Region 10, nanindigang lehitimo ang operasyon

Ozamis City – Nanindigan si Chief Supt. Timoteo Pacleb, hepe ng PNP-Region 10 na lehitimo ang ginawang raid ng mga pulis sa bahay ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Ayon kay Pacleb, ang ikinasang operasyon ng mga tauhan ng CIDG laban kay Parojinog ay ginawa sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng isang hukom.

Nagkataon lang aniya na nagkaroon ng putukan kaya mayroong namatay sa insidente.


Dumipensa rin si Pacleb sa oras ng pagsisilbi ng search warrant.

Wala aniyang kakaiba rito at normal na nila itong ginagawa para hindi makatunog ang target o ang sisilbihan nito.

Facebook Comments