Patay sa madugong raid sa bahay ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog, Sr. – umakyat na sa 15

Ozamis City – Umakyat na sa 15 ang nasawi sa raid na isinagawa ng mga pulis sa bahay ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Sa naturang raid, nasawi si Mayor Parojinog ang misis nitong si Susan, kapatid nitong si provincial board member octavio at 12 iba pa.

Ayon sa kay misamis Police Office Chief Inspector Jovie Espinido, walang over kill at lehitimo ang ginawang raid sa bahay ng pamilya Parojinog.


Aniya, nanlaban ang grupo ng alkalde kaya humantong sa encounter.

Iginiit naman ng naarestong si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez na planted ang mga nakuhang ebidenysa sa kanilang bahay.

Aniya, pulis rin ang pumutol sa kable ng kanilang CCTV para hindi makuhaan ang lahat ng naganap sa raid.

Una nang naugnay si Nova Princess sa high profile inmate na si Herbert ‘Ampang’ Colanggo na sangkot sa kidnapping at drugs.

Facebook Comments