Cebu, Philippines – Hindi tutol ang hepe ng Police Regional Office-7 , Chief Supt . Noli Taliño sa mungkahi na armasan ang mga barangay kapitan, matapos ang insidente ng pamamaslang sa isang barangay chairman sa mantuyong lungsod ng mandaue sa Cebu.
Ayun kay Taliño, ang mga barangay captain ay maituturing na police asset sa nagpapatuloy kampanya ng gobyerno laban sa kriminalidad at iba pang iligal na aktibidad.
Iginiit ni Taliño na kailangan lang na magkaroon ng background checking upang malaman na walang masamang record ang mga barangay officials, at sumailalim ito sa training at seminar tungkol sa tamang pagdadala ng armas at magkaroon din ng monitoring pagkatapos na maisyu ang armas sa kanila.
DZXL558
Facebook Comments