Hepe ng Pulisya sa Cagayan, Binansagang ‘Cardo Dalisay’ ng mga Residente

Cauayan City, Isabela- Ginawaran ng ‘Medalya ng Kagalingan’ ang hepe ng Solana Police Station at dalawang Policewoman dahil sa kanilang naging hakbang matapos ang buy-bust operation laban sa drug suspect nitong Hulyo 15.

Personal na tinanggap ni PCAPT. Jhun-Jhun Balisi ang nasabing parangal kasama sina PSMS Marilou Decapia Quilang at PCpl. Maria Elaine Quibol.

Personal din na iginawad ni Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves ng Police Regional Office No. 2 (PRO2) ang parangal.


Bukod dito, binansagan ang hepe ng PNP Solana ng ‘Cardo Dalisay’ ng nasabing bayan.

Matatandaang nauwi sa arm encounter ang pagdakip sana sa tulak ng droga na si alyas Efren sa Brgy San Gabriel, Tuguegarao City.

Nagpasalamat naman si PCapt. Balisi sa mga Solanians sa kanilang patuloy na suporta sa kampanya kontra sa iligal na droga.

Facebook Comments