Mga LSI sa Rizal Memorial Sports Complex na nagpostibo sa COVID-19 rapid test, umabot na sa 25

Umabot na sa 25 ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) sa Rizal Memorial Sports Complex ang nagpositibo sa COVID-19 rapid test.

Paliwanag ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Eymard Eje, nailipat na sa quarantine facility ang mga nagpositibo.

Habang ang 70 na LSIs naman ang inilagay sa isolation area sa loob ng stadium matapos malantad sa mga nagpositibo sa rapid test.


Tiniyak naman ni Eje, na dadalhin sa ibang pasilidad ang mga naka-quarantine.

Matatandaang marami ang nabahala nang makitang nagsisiksikan ang mga LSI sa Rizal stadium, kung saan ipinoproseso ang kanilang pag-uwi sa ilalim ng Hatid Tulong program ng pamahalaan.

Nauna nang inamin ni Hatid Tulong program Lead Convenor Joseph Encabo na naging mahirap ang pagpapatupad ng physical distancing sa stadium pero kalaunan ay naiayos naman nila ito.

Facebook Comments