Hepe ng Regional Operations and Management Division ng PRO2, Promoted na

71

Cauayan City, Isabela- Promoted na sa pagiging isang ganap na Police Colonel ang kasalukuyang hepe ng Regional Operations and Management Division ng Police Regional Office no. 2 (PRO2)

Pinangunahan ni Regional Director PBGEN Crizaldo O Nieves ang pangangasiwa sa panunumpa at paggawad sa rank insignia ni PCol. Guzman ngayong araw.

Inihayag naman ni PCol. Guzman ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng pulisya sa pagbibigya sa kanya ng oportunidad na maipakita ang kanyang potensyal bilang isang lider.

Aniya, sa kanyang 23 taon sa serbisyo, masasabi nyang ang kanyang paglalakbay ay hindi lamang tumtukoy sa kumpas kundi umiikot ito at minsa pa ay nadismaya na rin ito ngunit hindi sumuko.

Pinuri din ni PBGen. Nieves si PCol. Guzman para sa kanyang well-deserved promotion.

Facebook Comments