Pagpasa ngayong linggo sa proposed 2021 national budget, tiniyak ni House Speaker Velasco kay SP Sotto

Nagkausap na kagabi sina Senate President Vicente Tito Sotto III at bagong House Speaker Lord Allan Velasco.

Ayon kay Sotto, nangako sa kaniya si Velasco na ipapasa sa third and final reading hanggang sa Biyernes ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Binanggit ni Sotto na pagkatapos maipasa ang 2021 budget ay magpupulong sila ni Velasco para talakayin ang mga panukalang batas na bibigyan nila ng priyoridad.


Sinabihan din ni Sotto si Velasco ng congratulations, God bless and good luck.

Umaasa si Sotto na katulad sa mga nagdaang liderado ng Kamara ay magiging maganda rin ang working relation ng Senado sa Mababang Kapulungan sa ilalim ng pamumuno ni Velasco.

Facebook Comments