Hepe ng Venezuelan air force, inalis ang suporta kay President Nicolas Maduro

Venezuela – Tuluyang nang inalis ng hepe ng air force ang suporta nito kay Venezuelan President Nicolas Maduro.

Ito ay makaraang magpa-abot ng suporta si Gen. Francisco Yanez kay Opposition Leader Juan Guaido kasunod ng mga panawagan na magbitiw na sa pwesto ang kasalukuyang pangulo ng bansa na itinuturing nilang diktador.

Matatandaang kinilala ng Estados Unidos si Guaido bilang lehitimong Presidente ng Venezuela kasunod ng kinahaharap nilang economic crisis.


Nagdulot tuloy ito ng migration sa mga kalapit na bansa ng ilang residente.

Umaasa naman ang mga kritiko ng maduro na kikilalanin na rin ng European Union ang liderato ni Guaido.

Facebook Comments