Herd immunity, hindi pa makakamit sa ngayon

Malabo pang makamit sa ngayon ang herd immunity.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Edsel Salvaña, Infectious Diseases Expert na hadlang kasi ang mga sumusulpot na bagong variants ng COVID-19.

Ayon kay Salvaña, pinahihina kasi ng mga bagong variants ang bisa ng mga bakuna.


Aniya, bagamat nasa 90% ang pagiging epektibo ng mga bakuna para maiwasang maging severe at mauwi sa kamatayan ang isang indibidwal kapag tinamaan ng COVID-19, ito ay sa panahong wala pang mga bagong variants.

Pero dahil tuloy ang mutations ng virus nagiging 30% to 40% na lamang ang bisa ng mga bakuna.

Paliwanag pa ng eksperto kahit pa mabakunahan ang lahat ng tao sa bansa hindi pa rin makakaabot sa tinatawag na sterilized immunity dahil magkakaroon pa rin talaga ng breakthrough infections.

Facebook Comments