Travel ban sa mga bansang tumataas muli ang kaso ng COVID-19, hindi napapanahon

Hindi napapanahon para irekomenda ang panibagong travel ban mula sa mga bansang may mataas na namang kaso ng COVID-19 tulad ng China at South Korea.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Edsel SalvaƱa, Infectious Diseases Expert na medyo mabigat kasi ang epekto ng pagpapatupad ng travel ban lalo na’t hindi maaaring pagbawalan ang
mga Pilipino na umuwi sa bansa.

Ani SalvaƱa, ang mahalaga ngayon ay lumalawak na ang vaccination coverage ng bansa.


Giit nito, kaysa travel ban mas mainam na paigtingin ang pre-departure testing sa mga umuuwi sa Pilipinas at maging sa mga dayuhang magbabakasyon sa bansa at hindi rin aniya maaaring hindi na magsusuot ng face mask.

Facebook Comments