Kasunod ng agresibong vaccination drive, inaasahang maaabot na ng National Capital Region (NCR) ang herd immunity laban sa COVID-19 bago matapos ang 2022.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, inaasahang aabot sa 94.62 percent o katumbas ng 9.8 million ng target na populasyon sa rehiyon ang makakakumpleto na ng bakuna pagsapit ng December 1.
Habang pagsapit ng Pebrero ng 2022 ay tataas pa ito sa 99.46 percent o katumbas ng 9.7 million ng target na populasyon.
Sa ngayon, umabot na sa 88.86 percent o katumbas ng 8.6 million ng target population sa NCR ang nakakumpleto na ng bakuna habang 97.45 percent ang nakatanggap na ng first dose.
Nauna na ring sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na nagawa ng Metro Manila mayors na maayos ang kanilang vaccine deployment para sa mabilis na pagbabakuna.