DAGUPAN CITY, NAABOT NA ANG HERD IMMUNITY

Matagumpay na nakamit ng Lungsod ng Dagupan ang inaasam-asam na herd immunity dahil sa patuloy na pagbabakuna sa mga Dagupeño.

Nito lamang ika-25 ng Enero kung saan 101.75% ng target na 127,351 eligible population o katumbas ng nasa 129,586 na Dagupeño na ang fully vaccinated habang nasa 147,406 indibidwal na rin ang naitalang nakatanggap ng kanilang unang dose ng bakuna base sa datos na inilabas ng City Health Office.

Ito ay bunga ng patuloy na panghihikayat ng mga awtoridad sa mga indibidwal na magpabakuna na kontra COVID-19.

Patuloy namang umaarangkada ang vaccination roll out sa lungsod para sa mga nais pang makatanggap ng bakuna laban sa sakit.

Samantala, upang mas lalong mapalapit pa ito sa mga residente ay umarangkada na rin ang barangay-based vaccination sa lungsod. | ifmnews

Facebook Comments