Herd immunity, nakamit na ng 23 ‘highly urbanized cities’

Nakamit na ng 23 ‘highly urbanized cities’ ang herd immunity laban sa COVID-19.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, mahigit 70 percent ng target population ng 23 na lungsod na ito ay nakakumpleto na ng bakuna.

Kabilang sa mga lugar na ito ang mga sumusunod:


• San Juan City
• Mandaluyong City
• Pateros City
• Marikina City
• Taguig City
• Pasay City
• Las Piñas City
• Parañaque City
• Manila City
• Muntinlupa City
• Makati City
• Valenzuela City
• Quezon City
• Navotas City
• Pasig City
• Malabon City
• Caloocan City
• Baguio City
• Angeles City
• Iloilo City
• Lapu-lapu City
• Mandaue City
• Davao City

Sa datos ng pamahalaan hanggang nitong Disyembre 6, umabot na sa 38,699,023 indibidwal sa buong bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Facebook Comments