Herd immunity, posibleng sa 2033 pa makamit ng Pilipinas

Sa pagtaya ni Senator Panfilo Ping Lacson ay maaring abutin pa ng taong 2033 bago matupad ang target na pagbakuna sa 70-milyong mga Pilipino para makamit natin ang tinatawag na herd immunity laban sa COVID 19.

Ang kompyutasyon ni Lacson ay base sa report nitong March 10 na nasa 114,615 na ang nabakunahan simula ng umarangkada ang vaccine rollout noong March 5.

Punto ni Lacson, ibig sabihin ay 16,373 ang nabakunahan bawat araw na katumbas ng 11 taon at 8 buwan.


Bunsod nito ay nanawagan si Lacson na pabilisin pa ang pagbabakuna at magpursige na makuha na natin sa lalong madaling panahon ang kailangang bakuna.

Maliban dito ay iginiit ni Lacson na dapat ding ikonsidera ang logistics o kung paano makakarating ang COVID-19 vaccine sa mga indibidwal na target nitong bigyan.

Umaasa si Lacson na walang magiging gap sa delivery nito para walang hinto at magtuloy-tuloy ang pagbabakuna.

Facebook Comments