Malabo pang makamit sa Setyembre ang herd immunity sa Pilipinas.
Ayon kay Prof. Jomar Rabajante, tagapagsalita ng COVID-19 Pandemic Response Team ng University of the Philippines, nasa 11 hanggang 12% pa lamang ang mga fully vaccinated sa Pilipinas o yung mga nakakumpleto na ng bakuna.
Pabor naman si Rabajante na gawing prayoridad sa pagbabakuna ang mga highly urbanized area o yung mga matataong lugar tulad ng Metro Manila.
Pero aniya malabo na mabakunahan ang 100% porsyento ng mga mamamayan sa bansa dahil hindi pa pwedeng maturukan ang mga kabataan.
Facebook Comments