Herd immunity sa bansa, posibleng maabot sa loob ng limang taon dahil sa makupad na vaccination program ng pamahalaan

Posibleng abutin ng limang taon bago pa maabot ng pamahalaan ang target nito na herd immunity sa bansa.

Ito ang paniwala ni Sen. Richard Gordon matapos na makita ang mabagal na implementasyon ng vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Gordon, kung susumahin ang daily average ng mga nabakunahan na 43,835 ay aabot sa 4.8 years o halos limang taon pa bago makumpleto ng pamahalaan ang 70 percent nito o 77 milyong Pinoy.


Upang maiwasan ito, ipinanukala ni Gordon na dagdagan ang mga bakuna at mas paigtingin ang vaccination drive ng pamahalaan.

Facebook Comments