HERD IMMUNITY SA ILOCOS REGION BAGO ANG PASKO, POSIBLE AYON SA DOH-CHD1

Posible umano na magkaroon ng mas magandang pasko ngayong taon ang residente ng Ilocos Region kung mananatili o mas mapapataas pa ng pamahalaan ang suplay ng bakuna na dumarating dito.

Ayon kay John Paul Aquino ang Regional Vaccination Coordinator ng DOH-CHD1, tiwala umano itong kayang abutin ang 70% herd immunity kahit nasa 865, 764 o 23% pa lamang ng target population ang nababakunahan kontra COVID-19.

Sinabi nito na nasa 70,000-75, 000 kada linggo ang bakunang itinuturok sa mga residente ng rehiyon.


Ngayong buwan ng setyembre inaasahan na darating ang 1. 3 milyong bakuna na maituturok sa 650,000 na kabilang sa target population.

Samantala, umabot naman na sa 1, 188, 889 ang bakunang naiturok sa apat na probinsya ng rehiyon.

Facebook Comments