Herd Immunity sa Pagbabakuna kontra COVID-19, Naabot na ng Batanes

Cauayan City,Isabela- Nakamit na ng lalawigan ng Batanes ang 70% target population na mabakunahan kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni Joyce Maquera, ang DOH Region 2 vaccination focal person sa katatapos na BAYANIHAN BAKUNAHAN Virtual Town Hall Meetings ngayong araw, Nobyembre 25, 2021.

Nasa 12,021 indibidwal ang fully-vaccinated mula sa target na 12,609 o 70% na populasyon.


Kaugnay nito, nananatili sa 290 indibidwal ang kailangan pang bakunahan sa pagpapatuloy ng vaccination rollout.

Samantala, may natitira pang 2,496 unutilized vaccine sa lalawigan na inaasahang magagamit sa pagpapatuloy ng bakunahan.

Dagdag pa ni Maquera, bagama’t nakamit na ang herd immunity para sa target population sa lalawigan ay hindi nangangahulugan na titigil na ang ginagawang pagbabakuna dahil kailangan pa rin na punan ang natitirang 30% ng populasyon.

Patuloy naman ang paghimok ng DOH sa publiko na tangkilikin ang mga bakuna at kanilang tiniyak na ligtas itong gamitin.

Facebook Comments