HEROES WELCOME| Heroes Welcome para kay Pacman, handang-handa na

General Santos- Handang-handa na ang gagawing heroes welcome para sa Pambansang Kamao at WBA “regular” welterweight champion na si Senador Manny ‘Pacman” Pacquiao ngayong araw dito sa lungsod ng Heneral Santos.

Ayon kay Lady Manalo ang Assistant Division Head ng Sports ng Lungsod ng Gensan, na nakaraang linggo pa nila inihanda ang gagawing mainit na Heroes Welcome sa senador matapos itong manalo kontra Lucas Matthysse sa kanilang laban sa Kuala Lumpur Malaysia.

Sa inisyal na impormasyon, alas 3 ng hapon posibleng dadating ang team Pacman mula sa Malaysia kung saan deretso na ito sa Gensan.
Handa na ang gagawing Arrival Honor ng Lungsod at maging ang gagawing motorcade mula sa Gensan Airport palibot sa lungsod ng syudad.


Sasakay di umano si Pacman sa inihandang float, at sasalubungin sya nito ng banda sa Gensan Airport.

Gagawin naman agad ang press conference sa isang mall dito sa lungsod ng Heneral Santos.

Photo from web

Facebook Comments