Walang bakuna at walang gamot para sa hand, foot and mouth disease (HFMD).
Babala ito ni Dr. Rontgene Solante sa publiko kaya mas makabubuti pa rin na maiwasanng mahawahan nito ang mga bata.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Solante na dapat alagaan o linisan ng magulang o guardian bago kumain ang mga batang limang taong gulang pababa.
Kapag kasi aniyang nahawahan ng HFMD at nagkaroon ng ilang sintomas tulad ng lagnat, paracetamol lamang aniya ang pwedeng ipainom sa bata o ang tinatawag na treatment support dahil walang over the counter drugs para dito.
Samantala, sinabi ni Solante na maaaring ma-immune ang isang bata kapag nalantad na ito sa HFM disease pero pwede pa rin siyang muling maimpeksyon nito.
Facebook Comments