Hidilyn Diaz, dumating na sa bansa

99

5:45 PM lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) na sinasakyan ni Olympic Champion Hidilyn Diaz mula Narita, Japan.

Kasama rin sa flight si Olympic skateboard finalist Margielyn Didal.


Kabilang sa mga nag-abang kay Hidilyn sa labas ng NAIA -2 ang ilang mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) kung saan miyembro siya nito at kaka-promote lamang sa kanya bilang staff sergeant.

Kanina habang nasa flight si Hidilyn ay binigyan siya ng PAL ng congratulatory cake, wine, at bouquet.

Gumawa naman ng thank you note si Hidilyn sa business class menu card ng PAL.

Ang team ni Hidilyn ay sasailalim pa rin sa pitong araw na quarantine.



Facebook Comments