Naniniwala ang isang political analyst na kasama sa “game plan” ng administrasyong Duterte ang tila hidwaan at pabago-bagong pahayag tungkol sa pagsabak sa 2022 election.
Kasunod ito ng sinabi n Pangulong Rodrigo Duterte na aatras siya sa pagtakbong bise-presidente kung tatakbo ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapangulo ka-tandem si Sen. Bong Go.
Ayon kay Prof. Jean Franco ng University of the Philippines, hindi na kakagatin ng publiko ang Duterte-Duterte tandem sakaling ito talaga ang tinutumbok ng mag-ama.
Nakikita naman ni Franco na si Vice President Leni Robredo ang magiging mahigpit na kalaban ni Duterte-Carpio.
Pero giit naman ng isa pang political analyst na si Prof. Edmund Tayao, si Moreno ang mas nakikita niyang kayang kalabanin si Duterte-Carpio.
Si Duterte-Carpio ang presidential frontrunner sa mga nakalipas na survey.