High end OpCen ng ARMM Heart binuksan na!

Binuksan na ang bagong operation center ng Autonomous Region in Muslim Mindanao Humanitarian Emergency Action Response Team o ARMM HEART sa ORG Compound.

Mismong si ARMM Governor Mujiv Hataman kasama ng kanyang maybahay former AMIN Representative Sittie Djalia Turabin Hataman ang nanguna sa inauguration ng high end opcen kasabay ng pagdiriwang ng 28th Pakarajaan sa ARMM ngayong araw.

Matatandaang binuo ang ARMM HEART sa Hatamans Administration sa layuning agad na makapagresponde at makapagbigay ayuda sa mga residenteng naperwisyo ng natural at man -made calamities sa limang lalawigan ng ARMM.


Nagsisilbing Head ng ARMM HEART si Regional Disaster Risk Reduction Mangament Officer Director Ramil Masukat at binubuo ng mga buwis buhay at itinuturing ng mga buhay na mga bayaning rescue team at volunteers.

PIC:ES LA

Facebook Comments