high-powered firearms at ammunition na gamit ng Maute Group, planong imbestigahan ng AFP

Marawi City, Philippines – Plano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na imbestigahan ang mga sa oras na ma-clear na ang mga terorista Marawi City.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, tila inireserba kasi ng bandidong grupo ang mga naturang armas.

Hinala ng AFP na posibleng nagmula sa black market ang mga armas na ginagamit ng mga terorista o di kaya’y pinopondohan sila ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno o security forces.


Dagdag pa ni Padilla, pinaniniwalaan din nila na tinangay ng Maute ang mga weapon sa mga pulis at jail facilities matapos pakawalan ang mga preso at sunugan ang bilangguan.
DZXL558

Facebook Comments